Pormal nang ibinigay ng SM Investments Corporation (SMIC) ang mahigit P100M na Green Fund alinsunod sa City Ordinance 2350-2014 o QC Environment Code na naglalayong mangolekta ng P2 piso kada plastic bag sa mga shopping mall, department store, grocery store, fast food chain, at drug stores.
Ang Plastic Recovery System Fee na ito o kilala bilang “green fund” ay gagamitin ng pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga programa na makatutulong sa kalikasan.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, layon ng QC na mabawasan ang napo-produce na plastic at mahikayat ang QCitizens na gumamit ng reusable bags.
Pinangunahan nina Jeffrey Lim, President ng SM Prime Holdings; Jojo Tagbo, President ng SM Supermarket; Liza Silerio, VP ng SM Supermalls Pasay; Rey Del Valle, SAVP Public Relations Affairs; Joe Lapid, AVP SM North Edsa ang ceremonial turnover ng cheke, tinanggap naman ito nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Michael Alimurung, Asst. City Admin. Don Javillonar, City Treasurer Ed Villanueva, at Climate Change and Environmental Sustainability Dept. OIC Andrea Villaroman.