Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga hospital equipment at supplies na donasyon mula sa Office of First Lady Louise Araneta-Marcos at Huawei Technologies Philippines para sa Quezon City General Hospital (QCGH).

Bahagi ng donasyon ang 3 air conditioners, 10 infrared lamps, 3 medical beds, at 3 drip infusion controller na gagamitin para sa mga pasyenteng nasa intensive care unit.

Kasama ng alkalde sa turnover ceremony sina QCGH Director Dr. Josephine B. Sabando, Asst. Director for Professional Services Dr. Amelita R. Guzon, at Jiahao Liang ng Huawei Ph.

Salamat po sa inyong donasyon para sa mga QCitizen!

+10