Aabot sa 1,000 Smart Televisions at 973 Laptops ang ibinigay ng Quezon City Government sa mga guro at paaralan sa lungsod.

Sa flag-raising ceremony ngayong umaga, ibinahagi nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mga Smart TV at laptop na malugod na tinanggap ng Schools Division Office (SDO) sa pangunguna ni SDO QC Superintendent Carleen Sedilla at QC Public School Teachers Association.

Simula 2020, umabot na sa 1,675 Smart TVs at 9,566 laptops na ang nai-turnover ng QC sa mga teacher at public schools.