Para tulungan ang mga QC public school teachers sa kanilang pagtuturo, namahagi ang pamahalaang lungsod ng 2,000 laptops, habang 50 sa Day Care centers, at 20 naman sa Community Learning Centers.
Personal na ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga laptop kasama sina Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit head Ms. Maricris Veloso, Social Services Development Department head Ms. Eileen Velasco, QC Public Library head Ms. Mariza Chico, QC Public School Teachers Association, at mga District Action Officers.
Sa kabuuan, aabot na sa 8,000 laptops ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa QC.