Taos-pusong pasasalamat po sa Department of Social Welfare and Development na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian at sa Lucio Tan Group of Companies para sa Mobile Clinic na magagamit ng QCitizens na nais magpasuri.

Malugod na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mobile clinic kasabay ng pag-arangkada ng Lab for All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat! Program ni First Lady Louise Araneta-Marcos.

Nakiisa sa turnover ceremony sina Eton Properties Philippines Inc. President and CEO Kyle Tan, Department of Health Secretary Ted Herbosa, at presidential son na si William Vincent Araneta Marcos.