Ginanap ngayong araw ang Turnover of Office Ceremony sa bagong Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD) na si Police Brigadier General (PBGEN) Redrico Maranan.

Hinimok ng alkalde ang heneral na makiisa sa isinusulong ng lokal na pamahalaan na mabuting pamamahala, dahil ito ang susi para muling maibalik ang buong tiwala at kumpyansa ng taumbayan sa mga lingkod bayan.

Kinilala din ng alkalde ang dedikasyon at serbisyo ni dating Quezon City PBGEN Nicolas Torre III.

Dumalo sa seremonya sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director PBGEN Jose Melencio Nartatez, Jr, Former Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, Rep. Arjo Atayde, Rep. PM Vargas, Councilor Rannie Ludovica, DPOS Chief Elmo San Diego at iba pang kinatawan ng Quezon City Government at QCPD.

+32