Pormal nang itinurn-over ng PhilHealth ang cheque ng Outpatient HIV/AIDS treatment (OHAT) payment claims sa Quezon City Government.
Aabot sa 76.6 Million pesos ang natanggap ng lungsod mula sa PhilHealth, bilang reimbursement sa lahat ng serbisyo ng PhilHealth-accreditted sundown clinics at facilities ng lungsod para sa persons living with HIV (PLHIV).
Magagamit ng QC Government ang reimbursement bilang karagdagang pondo sa lahat ng HIV at AIDS-related interventions mula prevention hanggang sa testing at treatment.
Mas mapapalakas din ang clinical capacity ng pasilidad, at mai-improve at maa-upgrade ang mga medical equipment na magpapaunlad pa ng kabuuang medical services ng lungsod.
Malugod na tinaggap ni Mayor Joy Belmonte ang cheque ng OHAT payment claims kay PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin Mercado, na sinaksihan nina City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, QCGH Director Dr. Josephine Sabando, at PhilHealth NCR Vice President Dr. Bernadette Lico.




