Mas mabilis nang makakatugon sa medical emergencies ang mga barangay sa District 2, sa tulong ng mga bagong ambulansya!

Ngayong araw, malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte mula sa tanggapan ni District 2 Rep. Ralph Tulfo ang mga bago at modernong patient transfer vehicle na magagamit ng Barangay Payatas, Holy Spirit, Batasan Hills, Commonwealth, at Bagong Silangan.

Ang mga ambulansya ay magpapalakas pa sa kapasidad ng mga barangay sa pagresponde sa mga emergency at medical situation.

Ipinahayag naman nina Batasan Hills P/B Jojo Abad, Payatas P/B Rascal Doctor, Commonwealth P/B Maning Co, Bagong Silangan P/B Willy Cara, at Holy Spirit P/B Star Valmocina ang kanilang pasasalamat sa inisyatibo ni Rep. Tulfo.

Naging saksi rin sa ceremonial turnover ceremony sina Coun. Candy Medina at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.

+33