Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang 100 units ng Philippine Flag mula sa Chinese-Filipino Business Club, Inc. (CFBCI).
Ito ay para sa selebrasyon ng ika-126 Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan na gaganapin sa Hunyo 12.
Ang Araw ng Kalayaan ay selebrasyon ng paglaya ng Pilipinas mula sa mga mananakop at pagsasarili bilang isang bansa.