May bago nang playground para sa QCitizen pupils ng Quezon City Hall Child Development Center (Day Care Center)!
Pormal nang ibinigay ng Gorriceta Africa Cauton & Saavedra, sa pakikipagtulungan sa Teach for the Philippines, ang playground set sa lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan nito sa early childhood care and development, na tinututukan at pinagtutuunan ng pansin ng QC bilang tugon sa learning crisis.
Sa kanyang mensahe, hinikayat din ng alkalde ang mga kumpanya at organisasyon na makiisa sa learning recovery initiative ng lungsod, sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga pre-loved na damit. Ang mga ibibigay nilang damit ay muling ibe-benta sa Kilo/s Kyusi store, kung saan ang kikitain ay mapupunta sa learning recovery trust fund.