Nai-turnover na ngayong araw ng lokal na pamahalaan sa City Treasurer’s Office ang aabot sa P1,031,136 na nalikom ng lungsod mula sa “Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” program na isinagawa noong isang linggo.
Ang mahigit 1 milyong pisong proceeds ay mapupunta sa Learning Recovery Trust Fund ng QC na gagamitin sa Learning Recovery Program bilang tugon sa education crisis na lumala dahil sa pandemya.
