Maraming salamat sa pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa pag turnover ng remittance na nagkakahalaga ng ₱239,022,888.44 kasabay ng Lab for All program sa QC.
Pormal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang tseke mula kay Philhealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., kaisa si First Lady Louise Araneta-Marcos.
Ang pondo ay bahagi ng pagpapatupad ng serbisyong medikal ng pamahalaang lungsod tulad ng check-up services para sa QCitizens.