Maraming salamat sa QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mr. Joaquin Co at board of directors, sa kanilang donasyong rescue boats.

Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga donasyon kasama ang District Action Officers ng QC at QC Disaster Risk Reduction and Management Office. Malaking tulong ang mga rescue boats sa pagsagip sa mga QCitizens na nasa mga bahain o peligrosong lugar.