Namahagi ang pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at ng Education Affairs Unit, ng 160 sets ng sound system sa QC public schools na magagamit sa pag-aaral at activities ng mga estudyante.

Personal itong tinanggap nina Schools Division Office Superintendent Ms. Carleen Sedilla, Mr. Fernan Gana ng Quezon City Federation of School’s Parents and Teachers Association (QCFSPTA), at iba pang kinatawan ng mga principals at teachers association.