Maraming salamat, World Vision Philippines!
Matapos ang tatlong taong pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod, pormal nang nagpaalam ang grupo ng World Vision Philippines kay Mayor Joy Belmonte bilang pagtatapos ng programang Project ACE sa QC.
Ibinahagi ni Project ACE Director Daphne DG Culanag ang mga napagtagumpayan ng QC sa pagsugpo ng child labor at exploitation.
Bilang tanda ng kanilang pasasalamat, ibinahagi ng World Vision PH sa alkalde ang plaque of appreciation at isang unit ng Starlink sa PAISD para mas mapaigting pa ang information dissemination at kampanya laban sa child labor.
Noong 2021, lumagda sa Memorandum of Agreement si Mayor Joy, Public Employment Service Office QC Manager Rogelio Reyes, at World Vision Philippines Executive Director Rommel Fuerte para sa pagpapatupad ng Project ACE sa lungsod.