Bilang bahagi ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral, nagbigay ang QC government ng karagdagang 100 study tables para sa San Francisco High School at Bonifacio Memorial Elementary School.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang turn-over ng mga mesa sa mga nasabing paaralan, kasama sina Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herera, Coun. Dorothy Delarmente, at Bahay Toro Kagawad Charm Ferrer.
Ayon kay Mayor Joy, magagamit ng mga mag-aaral ang study tables sa nalalapit na face-to-face classes na hiling mismo ng General Parent-Teachers Association (GPTA) ng mga eskwelahan.
Ang lokal na pamahalaan ay mahigpit na nakikipagtulungan sa GPTA, at mga paaralan upang masigurong maibigay sa mga kabataang QCitizen ang dekalidad na edukasyon.