Pormal nang ibinigay ng World Vision ang mahigit 300 kopya ng Unified Referral System for Child Protection guidebook sa Quezon City Government.

Ang guidebook ang magsisilbing gabay ng mga barangay, paaralan, pulis, at mga ahensya ng pamahalaan sa pagpo-protekta at pangangalaga sa karapatan ng mga kabataang biktima ng sapilitang pagta-trabaho, pang-aabuso, at pangmamalabis.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng mga libro mula kay Ms Daphne Culanag ng World Vision.