Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nasa 230 tutors at program coordinators ang lumahok sa isinagawang training para palakasin ang reading & math interventions sa ilalim ng Zero Illiteracy sa QC Tutoring Program.
Sumailalim sa masusing pagsasanay sa iba-ibang praktikal na istratehiya at epektibong pamamaraan ng pagtuturo ang mga kalahok upang mahasa pa ang kanilang kasanayan at kaalaman.
Sa pagdiriwang ng Reading Month, pinagtitibay muli ng Quezon City Government ang ating pangako na tiyaking ang bawat bata sa Lungsod Quezon ay matututong magbasa, umunawa, at magtagumpay.







