Naging panauhin si TV host at senatorial aspirant Willie Revillame sa flag-raising ceremony sa Quezon City Hall ngayong umaga.

Ibinahagi niya sa mga kawani at mga QCitizen ang kanyang mga plataporma, partikular para sa mga mahihirap at pagsusulong ng maayos na pamamahala sa pamahalaan.

Binigyang-diin naman ni Mayor Joy Belmonte na tulad ni Revillame, prayoridad din ng lokal na pamahalaan na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa Quezon City, pangunahing programa ang pagbibigay ng katiyakan sa paninirahan ng mga residente, pagtitiyak ng mataas na kalidad ng serbisyong medikal at de-kalidad na ospital, at pagsuporta sa mga maliliit na negosyate at aspiring entrepreneurs.

+13