Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Arestado ang dalawa sa mga suspek sa pagnanakaw ng electric wires ng mga streetlight sa kahabaan ng Elliptical Road.
Nadiskubre ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) noong March 30 ang pagkawala ng mahigit isang kilometro ng electric wires sa lugar, na agad nilang inireport sa pulisya.
Tuloy-tuloy ang pagkilos ng pulisya upang matukoy, mahuli, at mapanagot ang lahat ng sangkot sa insidenteng ito.
Sa ngayon, mahigpit nang binabantayan ng QCPD at ng barangay ang lugar upang hindi na ito maulit.
Hinihikayat din ang mga QCitizen na dumaraan o nagagawi sa nasabing lugar na ireport sa Helpline 122 o sa mga otoridad kung sakaling may mapansing kahina-hinalang gawain o insidente ng nakawan.










