
QCitizens, narito ang dalawang paraan upang makapag-rehistro para sa iyong COVID-19 Vaccine.
1. ONLINE SELF-BOOKING
Mag sign-up as patient sa EZConsult website https://app.ezconsult.io/signup.
Maari rin i-download ang EZConsult App sa App Store o Google Play.
Matapos mag-sign up, ang iyong account ay susuriin para sa iyong eligibility base sa DOH Priority List. Tandaan na ikaw ay makakapag-schedule lamang kung ikaw ay kasama sa kasalukuyang priority group na binabakunahan.
Hindi kinakailangan ang QCitizen ID para makapag-register sa EZConsult, ngunit kailangan ng personal email at mobile number para sa registration.
2. ASSISTED BOOKING – QCitizen ID Required
Hintayin ang tawag/text mula sa inyong Barangay para sa iyong COVID-19 vaccination schedule base sa DOH Priority Group.
Dahil sa kasalukuyang ECQ, sarado ang mga QCitizen ID registration sites. Maaring mag-register online sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/
Para sa mga katanungan ukol sa bakuna, mag-email lamang sa qcprotektodo@quezoncity.gov.ph
Maging #QCProtekTODO sa bakunang sigurado!