Namahagi ang Department of Social Welfare and Development-NCR ng cash card sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer (UCT) Program para sa mga kwalipikadong benepisyaryong QCitizens.
Sa pakikipagtulungan ng QC Social Services Development Department, 1, 637 benepisyaryo kabilang sa UCT-Listahanan ang inaasahang mabigyan ng cash card ngayong araw.
Ang UCT program ay ang pinakamalaking tax reform mitigation program sa ilalim ng TRAIN Law. Layon nitong bigyan ng cash assistance ang mga mahihirap na pamilya upang matulungan silang makayanan ang epekto ng TRAIN Law.