QCitizens, bisitahin na ang “UGMA: Ugnayan ng Sining at Teknolohiya” exhibit sa The White Room Gallery ng SEAMEO INNOTECH sa Diliman, Quezon City!

Tampok sa exhibit ang mga obra ng 13 Innotech Artists tungkol sa pagkakaugnay ng sining at siyensya.

Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa UGMA exhibit na pinangunahan nina SEAMEO INNOTECH Director Leonor Magtolis Briones, at Exhibition Curator Prof. Rubén DF Defeo.

Naroon din sina Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, Former Philippine Ambassador to Germany Melita Sta. Maria-Thomeczek, Department of Education Asec. Dexter Galban, at mga propesor ng UP Fine Arts.

Bukas ang exhibit hanggang September 4, tuwing Martes hanggang Biyernes, 9AM to 5PM.