Patuloy na itinaguyod ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng sustainable na transportasyon.
Umabot na sa 201 kilometro ang kabuuang haba ng mga protected bike lane na dumadaan sa mga mahahalagang destinasyon tulad ng mga paaralan at mga negosyo. May signages, bike racks, at repair stations din para sa mga bisikleta.
Dahil sa programang ito, nakamit ng lungsod ang Gold Level Award mula sa Mobility Awards noong 2022 at 2023. Kinikilala rin ang QC bilang “Most Bike- Friendly City in Metro Manila” ng Department of Transportation.
Para sa iba pang detalye at gabay sa maayos at ligtas na pag-padyak, maaaring i-scan ang QR code o makipag-ugnayan sa Green Transport Office:
Ground Floor, DPOS Building, Quezon City Hall Compound
8710-0743
GTO.DPOS@quezoncity.gov.ph
https://www.facebook.com/dpos.gto
