Sa panahon ng probema at trahedya, mas pinaigting ng Quezon City local government ang financial assistance programs para sa mga nangangailangang QCitizens.
Nabigyan ng tulong pinansyal simula 2023 ang 11,813 senior citizens, 4,816 solo parents, at 18,727 person with disabilities sa ilalim ng Social Welfare Assistance Program ng lungsod.
Sa panahon ng sunog, may 52,330 residente ang tinulungan ng lokal na pamahalaan na makabangon mula sa trahedya simula noong 2019 hanggang 2024.
Itinaas din ng lokal na pamahalaan ang burial assistance na dating P10,000 sa P25,000 mula noong 2020. Aabot sa 32,339 ang nabigyan ng disente at maayos na funeral at burial services ang kanilang mahal sa buhay.
Para sa iba pang detalye sa iba-ibang Financial Assistance Programs ng lungsod, maaaring i-scan ang QR code na ito o makipagugnayan sa Social Services Development Department (SSDD):
Building E, Mayaman Street, Quezon City Hall Compound, Quezon City
8710-1350 / 8703-6803 / 8703-2940 / 8703-3576
SSDD@quezoncity.gov.ph

