Naglaan ang Quezon City Government ng iba-ibang Social Services Programs upang matugunan ang pangangailangan ng Persons with Disabilities (PWDs) at Solo Parents sa lungsod.
Bahagi ito ng layunin ng ating lokal na pamahalaan na maging isang inklusibong komunidad na nagtataguyod ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng sektor ng lipunan.
Ang QC Birth Registration Online (BRO) at QC Death Registration Online (DRO) ay digital platforms na inilunsad upang maging mas mabilis at abot-kamay ang mga serbisyong may kinalaman sa pagrerehistro ng kapanganakan at kamatayan.
Ito ay bahagi ng patuloy na digital transformation efforts ng lokal na pamahalaan upang iangat ang kalidad ng serbisyo para sa publiko.
Para sa iba pang detalye sa Social Services Programs ng lungsod, maaaring i-scan ang QR codes o makipag-ugnayan sa QC Persons with Disability Affairs Office, Social Services Development Department, at City Civil Registry Department.


