Mayor Joy Belmonte is 2023 UNEP Earth Champion!
Kinilala ng United Nations Environment Programme (UNEP) si Mayor Belmonte bilang isa sa 2023 Champion of the Earth, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng UN para sa mga nagtataguyod ng programang tumutugon sa pabago-bagong klima.
Si Mayor Belmonte ang kauna-unahang Filipino elected official na ginawaran ng parangal kasama ang iba pang natatanging indibidwal at institusyon mula sa iba-ibang panig ng mundo.
Kabilang sa mga isinulong ng alkalde ay ang pagbabawal ng single-use plastic bags at single-use utensils sa mga restaurant (para sa mga dine-in customers) at sachets sa mga hotel; Trash to Cashback program; Vote to Tote; at Kuha sa Tingi na nagtatatag ng refilling hubs bilang alternatibo sa mga naka-sachet na liquid detergent, at iba pang produkto.
Bahagi rin ng parangal na ito ang lahat ng QCitizens na patuloy na sumusuporta at nakikiisa sa mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Maraming salamat po sa inyo