Nakiisa si Mayor Joy Belmonte bilang expert panelist sa 3-day Expert Group Meeting on Gender Equality, the Empowerment of All Women and Girls and Their Human Rights Across the Sustainable Development Goals: Assessing Progress towards the Implementation of the 2030 Agenda ng UN Women na nagsimula nitong Martes.
Si Mayor Joy ang natatanging local official ng bansa na kasali bilang expert panel at nagbahagi ng mga good practices ng lungsod.
Sa ikalimang sesyon ng pulong tinalakay ng alkalde ang mga programa ng lungsod na ginagabayan ng Sustainable Development Goals (SGD), partikular na sa Open Data, gender-transformative governance, people’s participation, care system, at digitalization.
Inihayag din ni Mayor Joy ang ilang mga suhesyon para sa mas maayos na implementasyon ng proyekto. Bahagi nito ang close monitoring ng resulta, pagdisenyo ng istratehiya upang maisara ang gender data gap, at pag-institutionalize ng posisyon para sa local government units upang mas mapalakas ang implementasyon ng mga ito.










