Dumalo ang Quezon City Government sa forum na inorganisa ng UN Women Philippines at UP-CIFAL Philippines na tumatalakay sa gender-responsiveness ng Philippine Migration Governance kahapon, Filipino Migrant Workers’ Day (June 7).
Naging kinatawan ng Lungsod si Quezon City University President Dr. Theresita Atienza, kung saan tinalakay niya ang iba-ibang programa ng lungsod para sa mga migrante mula QC tulad ng libreng transportation service sa mga umuwing OFWs noong 2020, pagtatatag ng Migrant Resource Center na one-stop-facility para sa kanilang pamilya para sa lahat ng kanilang pangangailangan, at OFW kumustahan activities.
Maliban kay Dr. Atienza, kabilang din sa mga naging speaker sa diskusyon sina UN Women ROAP OIC Sara Knibbs, Department of Foreign Affairs Usec. Sarah Lou Arriola, at iba pang eksperto sa migrant rights and governance.


