Pormal nang pinagtibay ang creative alliance ng Quezon City at Baguio City bilang mga miyembro ng UNESCO Creative Cities Network. ![]()
![]()
Sa ginanap na UNESCO Creative Cities Alliance Dinner and Filmmakers Fellowship, na bahagi ng Montañosa Film Festival, nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at Mayor Benjamin Magalong ang kasunduang mag-uugnay sa husay ng QC bilang Creative City for Film at ng Baguio bilang Creative City for Crafts and Folk Arts. Layon nitong palakasin ang kolaborasyon sa iba-ibang larangan ng sining, kultura, at inklusibong pag-unlad ng ekonomiya.
Bilang bahagi ng pagtutulungan ng dalawang lungsod, itinampok ang anim na pelikula mula sa QCinema International Film Festival sa Montañosa Film Festival 2026 sa Baguio City.
Sa ilalim ng samahang ito, inaasahan ang mas malawak na palitan ng kaalaman, mas maraming pagsasanay para sa mga alagad ng sining, oportunidad para sa mga artist at filmmaker, at mga proyektong tulad ng joint exhibitions, film screenings, at cultural events na magtatampok sa galing, tradisyon, at kwento ng bawat Pilipino. ![]()
Kasama rin ni Mayor Joy sina QC Tourism Department Head Giana Barata and Education Affairs Unit Head Maricris Veloso.








