Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte sa mga kabataan mula sa iba-ibang panig ng bansa ang mga hakbang ng Quezon City Government para maprotektahan ang kalikasan, sa ginanap na Local Conference of Youth (LCOY) Philippines 2023.
Binigyang-diin ng alkalde na tungkulin ng pamahalaan at ng mga public servant na magsilbi para sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na para sa mga kabataan na pinaka apektado ng climate change.
Binanggit din ni Mayor Joy ang mga inisyatibo ng QC para maisulong ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, tulad ng pagbubuo ng child-friendly version ng QC Enhanced Local Climate Change Action Plan, paglulunsad ng QC Minecraft Challenge para sa mga mag-aaral, at Green Awards para sa mga kabataan at SK.
Kasama ng alkalde sa LCOY sina UNICEF Philippines Deputy Representative for Programs Mr. Behzad Noubary, at Positive Youth Development Network Executive Director Alfred Dicto.
Ang LCOY ay inorganisa ng Positive Youth Development Network sa pakikipagtulungan sa UNICEF at Department of Environment and Natural Resources (DENR).