Bumisita sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, City Councilors at mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children sa UNICEF Office para pag-usapan ang mga hakbang para protektahan at itaguyod ang karapatan ng kabataan sa QC.

Inilahad nina UNICEF Country Representative Oyunsaikhan Dendevnorov at Deputy Representative Behzad Noubary ang mga programa ng UNICEF para sa kabataan na maaari ring isagawa sa lungsod.

Kabilang sa mga napag-usapan ang early childhood care and development, educational programs, anti-online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) interventions at iba pang mga issue tungkol sa kalagayan ng mga kabataan.

+28