Nagtipon ang mga lider ng iba-ibang kooperatiba mula National Capital Region (NCR) at Region 4-A (CALABARZON), sa ginanap na Consultation Forum for the Development of Cooperatives ng Cooperative Development Authority (CDA).
Tinalakay sa forum kung paano pa mas magiging simple at accessible ang mga impormasyon tungkol sa compliance requirements para sa micro cooperatives, ipakita ang proposed amendments sa RA 9520 o ang Cooperative Code of the Philippines, at talakayin ang mga kinakaharap ng mga kooperatiba, lalo na sa sektor ng transportasyon.
Sa kanyang mensahe, binanggit ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong forum upang malaman at mas maintindihan ang mga suhesyon at kumento ng mga kooperatiba para masigurong patas at inklusibo ang mga programa para sa kanila.
Bukod kay Mayor Joy, pinaunlakan din nina Office of the Executive Secretary Undersecretary for Economic Affairs Atty. Erwin Sta. Ana, CDA Chairperson Usec. Alexander Raquepo, CDA Administrator Emmanuel Santiaguel, Small Business and Cooperatives Development Promotions Office Head Mona Yap, at iba pang kinatawan mula sa cooperatives sector.










