Ibinahagi ni QCDRRMO Head EnP. Ma. Bianca D. Perez sa mga kinatawan ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) na sina Mr. Marco Toscano-Rivalta, Chief of UNDRR Regional Office for Asia and the Pacific, at Ms. Chinatsu Endo, Programme Management Officer at UNDRR Focal Point for Southeast Asia, ang mga programa at inisyatiba ng lungsod sa disaster risk reduction at climate resilience noong Hunyo 19, 2026.
Dinalaw ng delegasyon ang Quezon City Operations Center at ilang pasilidad sa Barangay Bagong Silangan, kabilang ang Evacuation Center, Vincentian Foundation Bamboo Housing, at New Greenland Farm, na nagpapakita ng patuloy na pagpapatibay ng lungsod ng mga inisyatibang nakatuon sa ligtas, matatag, at sustainable na komunidad.










