Kinilala ni United Senior Citizen Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay ang Quezon City Government dahil sa mga inisyatibo ng lungsod para sa mga Senior QCitizen.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng libreng maintenance medicine, at ang programa ng lungsod na nagsusulong at sumusuporta sa mga negosyong nagbibigay ng oportunidad sa mga senior at persons with disability.

Ayon pa kay Rep. Magsaysay, naging posible ang mga ito dahil sa political will ni Mayor Joy Belmonte at ng buong pamahalaang lungsod para mabigyan ng nararapat na mga proyekto ang mga senior.