Malugod na tinanggap ng Quezon City Department of Engineering ang mga miyembro ng University of the Philippines Association of Civil Engineering Students (UP ACES), sa kanilang Educational Tour at Project Site Visit ngayong araw.
Pinuntahan nila ang Detention Basin at Covered Court sa Palmera Homes Phase 3, isang catchment area upang maiwasan ang pagbaha at magsilbi rin bilang multi-purpose facility; at ang Slope Protection (Bored Piles) sa Kalamiong Creek, na layong maiwasan ang pagguho ng lupa sa mga kalapit na lugar.
Bahagi ito ng adbokasiya ng UP ACES na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga komunidad kung saan may ginagawang proyekto ang lokal na pamahalaan.




