Inklusibong programang panlipunan ang susi sa isang matatag na ASEAN! ![]()
Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga naimbitahang tagapagsalita sa ginanap na Unlocking Capital for Sustainability- Charting a shared future: Pathways for a resilient ASEAN forum sa Shangri-La Manila.
Ibinahagi ni Mayor Joy kung paano sinusulong ng Quezon City ang circular economy, o paraan ng pamumuhay kung saan binabawasan ang pagtatapon, at pinaiiral ang pag-repurpose ng materyal.
Sa QC, isinusulong ang mga inklusibong programang pangkalikasan na nakakabawas din sa basurang napupunta sa landfill, tulad ng Trash To Cashback, Kilo/s Kyusi, at Circularity Hub.
Nagbigay din ang alkalde ng mga mungkahi, kung paano mas mapapalawig ang mga circular economy programs ng QC sa ASEAN. Mas magiging epektibo ang mga ito, kapag masusing inaral at kasama ang mga mamamayan sa pagpa-plano.










