Padayon, mga musiko ng bayan! ![]()
Nagsilbing panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na 2026 Recognition Rites ng College of Music, University of the Philippines Diliman, kasama sina National Artist for Music Ramon P. Santos, UP President Atty. Angelo A. Jimenez, UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo L. Vistan II, at College of Music Dean Dr. Ma. Patricia Brillantes Silvestre.
Binigyang-pugay sa seremonya ang mga magsisipagtapos, pati rin ang ilang natatanging indibidwal na naging haligi ng musika sa bansa.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Joy ang mga magtatapos na gamitin ang kanilang talento hindi lamang para sa sarili, kundi bilang instrumento ng paglilingkod sa sambayanan.
Muli, isang taos-pusong pagbati sa UP College of Music Class of 2026!










