Pagbati, mga Iskolar ng Bayan! ![]()
![]()
Nagbahagi ng keynote address si Mayor Joy Belmonte bilang panauhing pandangal sa idinaos na Special Recognition Program ng College of Science ng University of the Philippines Diliman ngayong Sabado.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na dapat isapuso ng mga iskolar ang obligasyong gawing prayoridad ang interes ng taumbayan para sa kanilang mga gagawing proyekto at imbensiyon pagdating ng panahon.
Kasama ng Alkalde sa pagpapadaloy ng programa sina UP Chancellor Atty. Edgardo Vistan, University Registrar Dr. Rowena Bailon, UPD-CS Dean Dr. Cynthia Saloma, former Chancellor Fidel Nemenzo, former UPD-CS Dean Dr. Giovanni Tapang, at former Philippine Nuclear Research Institute Director Dr. Carlo Arcilla.
Malugod na binabati ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang 477 na mga iskolar ng bayan na nagsipagtapos sa UPD-CS!










