Good news!
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Starpay na magsisimula na ang payout ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa Nobyembre 13 para sa 248,406 beneficiaries mula sa first batch at waitlisted. May makakatanggap ng P8,000 at mayroon ding P16,000 kung hindi nakakuha ng unang ayuda.
Isasagawa ang branch payout sa partner ng Starpay na M Lhuilllier at mobile payout sa USSC. Magkakaroon din ng offsite payout (manual payout) sa limang barangay: Batasan Hills, Holy Spirit, Pasong Tamo, Commonwealth at Payatas.
Bibigyan ng kopya ang inyong mga barangay ng listahan ng mga benepisyaryo at nakapaloob dito ang reference number at araw kung kailan ang inyong schedule ng pagkuha ng ayuda.
Antabayanan sa inyong barangay ang listahan ng benepisyaryo.