Good news!

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Social Amelioration Program (SAP) second month payment para sa 168,172 waitlisted na kwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng GCash.

Mula Nobyembre 3-15, susunod namang ipapamahagi sa pamamagitan ng STARPAY ang ikalawang buwang ayuda para sa 134,406 benepisyaryo mula sa first tranche, pati na ang 114,048 na benepisyaryong waitlisted.

May waitlisted din po na makakakuha ng kabuuang P16,000 dahil hindi nila nakuha ang kanilang unang buwang ayuda.

Ang payout ng STARPAY ay makukubra sa M. Lhuiller, Cebuana Lhuiller at Western Union, at target nila ay maserbisyuhan ang 3,000 benepisyaryo kada araw.

Kasabay nito, gagawin din ang manual payout (offsite pay-out) base sa clustering ng mga barangay, at makikipagugnayan ang Starpay sa ating lokal na pamahalaan para dito. Bago ito, ipapamahagi ng lokal na pamahalaan ang stub na may Beneficiary Reference Number (BRN) mula sa STARPAY.

Asahan po ninyong patuloy na makikipag-ugnayan ang inyong lokal na pamahalaan para sa maayos na pamamahagi ng SAP na pinangangasiwaan ng DSWD.

https://www.facebook.com/100824854638614/posts/415585143162582/?d=n