FOOD SECURITY FOR ALL! 🌎

Panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa Urban Food Systems Policy Forum na inilunsad ng Quezon City Government at CGIAR Resilient Cities.

Kasama ang mga lokal na pamahalaan, stakeholders, at non-government organizations, layon ng forum na talakayin ang mga istratehiya at polisiya upang makamit ang urban food security.

Inilahad ni Mayor Joy ang mga programa na nakatutulong sa food security at kapakanan ng mga QCitizens tulad ng Vendor Business School, Joy of Urban Farming, at Calorie Labelling Ordinance.

Dumalo sa programa sina CGIAR Resilient Cities Co-lead Dr. Silvia Alonso, Department of Agriculture Director Joseph Manicad, CGIAR Focal Arma Bertuso, Dr. Gordon Prain, QC Food Security Taskforce Co-Chair Emmanuel Velasco, at Dr. Liz Ignowski ng World Vegetable Center.

#TayoAngQC

#QC85th

+20