Isinagawa ng Quezon City Government ang kauna-unahang Urban Heat and Drought Summit sa bansa.
Tinalakay sa summit ang mga paraan ng iba-ibang siyudad sa pagtugon sa extreme heat, na nakakaapekto sa kalusugan, kabuhayan, at pangkalahatang kapakanan ng komunidad.
Noong 2024 at 2025, umabot sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Quezon City, na naging dahilan ng class suspension at pagka-antala ng edukasyon ng mga kabataan at pagtaas ng bilang ng mga residenteng nakaranas heat-related illnesses.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor para masolusyunan ang epekto ng extreme heat at pabago-bagong klima.
Ibinahagi naman ng iba-ibang opisyal ng mga siyudad at organisasyon ang kani-kanilang best practices na maaaring i-adopt ng mga kalahok sa kani-kanilang opisina at lugar.
Ang Urban Heat and Drought Summit ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga international at Philippine CityNet member cities, national and local government agencies, technical institutions, civil society organizations, at pribadong sektor.










