Upang mas mapaigting pa ang ugnayan ng Quezon City at United States, nag-courtesy call si US Ambassador to the Philippines Her Excellency MaryKay L. Carlson kay Mayor Joy Belmonte ngayong hapon.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang mga programa ng lungsod, mula sa pagtugon sa naging epekto ng pandemya, digitalization ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan, hanggang sa pagsisiguro na bawat proyekto ay naaayon sa pangangailangan ng mga QCitizen.
Ayon sa alkalde, naging posible ang mga ito dahil sa mahigpit na pagpapatupad sa lungsod ng good governance na bunga ng pagpapaunlad ng mga proseso, at maayos na incentive at benefit system para sa mga empleyado.
Kasama rin ni HE Carlson sa kanyang pagbisita sina US Embassy International Narcotics & Law Enforcement Affairs Director Kelia Cummins, at Courtney Maloney mula sa United States Agency for International Development (USAID).