Congratulations sa mga lider kabataan na naging bahagi ng USAID Opportunity 2.0!

Sa tulong ng programa, tinuruan ang mga out-of-school youth at sangguniang kabataan ng leadership skills sa mga komunidad at entrepreneurial skills upang makatulong sa kanilang kabuhayan. Sila rin nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral muli.

Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga napagtagumpayan ng mga kabataang QCitizen sa tulong ng USAID Opportunity 2.0 sa mga nakalipas na taon, kabilang na rito ang pagpapatupad ng Quezon City Out-of-School Youth Rights and Welfare Ordinance.

Nakiisa sa programa sina USAID Mission to the Philippines and Mongolia Mission Director, Ryan Washburn, Education Development Center SVP for International Development Division, Nancy Devine, Opportunity 2.0 Chief of Party Jill Jarvi, at EDCOM II Executive Director, Dr. Karol Mark Yee.

Bahagi rin sa Youth and Partners Summit 2024 sina National Youth Commission – Commissioner for Luzon, Atty. Reena Vivienne C. Pineda, Coun. Aly Medalla, at ilang local chief executives kabilang sina Isabela City Mayor Sitti Djalia Hataman at Cotabato City Mayor Mohammad Ali Matabalao.

+23