Mas papaigtingin pa ng national government at ng Quezon City Government ang mga proyekto para maiwasan na ang pagbaha sa lungsod.

Ngayong hapon, pormal nang lumagda sa usufruct agreement sina Mayor Joy Belmonte, Department of Public Works and Highways (DPWH) Unified Project Management Office – Flood Control Management Cluster Project Director Ramon Arriola at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr.

Sa ngayon, isasagawa ng DPWH at MMDA ang unang component ng Metro Manila Flood Management Project. Aayusin at imo-modernize ang mga drainage area, sa pamamagitan ng pag-upgrade ng 36 pumping stations at pagtatayo ng karagdagang 20 pumping stations.

Sa Quezon City, apat na pumping station ang gagawin sa Barangay Roxas, Barangay Tatalon, at Baranagay Doña Imelda kung saan tatlo sa mga ito ay ilalagay sa mga property na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.

+5