Nagtayo ng vaccination booth ang pamahalaang lungsod sa Holy Cross Memorial Park, Novaliches Public Cemetery, at Himlayan Memorial Park ngayong araw.

Sinisiguro din ng pamahalaang lungsod na magiging maayos at mapayapa ang paggunita ng #Undas2022 sa QC, kasabay ng pagdagsa ng mga mamamayan sa mga sementeryo at kolumbaryo.

Base sa tala ng Quezon City Department of Public Order and Safety at Quezon City Police District, aabot sa mahigit 57,000 ang mga residente na bumisita sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa lungsod (As of 1PM). Kasabay nito, nag-deploy din ang lungsod ng mahigit 400 kawani ng QC Law ng Order Cluster na nag-aassist para sa maayos na daloy ng trapiko sa lugar, matiyak ang seguridad ng mga nagtutungo sa sementeryo at bus terminals, at naka-antabay para sa anumang klaseng emergency.