Sinimulan na kanina, Marso 3, ang pagbakuna sa healthcare workers ng Quezon City General Hospital. Isa ang QCGH sa mga naging prayoridad ng Department of Health na mabigyan ng supply ng COVID-19 vaccine.

Nagbigay ang pamahalaan ng 300 doses, at maaari pa itong madagdagan sa mga susunod na linggo.

Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang healthcare workers sa kanilang ipinakitang kagustuhan na mabakunahan.Narito ang naging programa kanina.


Binisita rin ni Mayor Joy Belmonte ang opisyal na simula ng pagbabakuna sa healthcare workers ng iba-ibang pagamutan sa Quezon City tulad ng National Kidney Transplant Institute, East Avenue Medical Center, at St. Lukes Medical Center – Quezon City.

Ibinahagi rin ni Mayor Joy ang unti-unting pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna sa tulong ng ating healthcare workers na boluntaryong tumanggap nito.

#QCProtektodo