Nagsagawa ang Quezon City ng Values Formation Module Write Shop na dinaluhan ng ating Master Teachers, Parents, PTA Officers and Members, kinatawan mula sa Education Affairs Unit, SDO Supervisors, at si Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.
Ito ang unang yugto sa pag-update ng Values Formation Module na gagamitin para sa lahat ng magulang sa public schools ng lungsod. Layunin ng module na tulungan ang mga pamilya na mas maunawaan ang responsableng paggabay sa mga bata—kabilang ang usapin ng mental health, tamang paggamit ng gadgets, online behavior, gender sensitivity, at iba pang hamon na kinakaharap ng kabataan ngayon.
Ang Values Formation Program na ito ay itinataguyod ni Mayor Joy Belmonte bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiyang palakasin ang partnership sa pagitan ng paaralan at pamilya para sa tagumpay ng bawat batang QCitizen.
Sama-sama nating hubugin ang isang mas maayos, ligtas, at suportadong kapaligiran para sa kabataan ng ating lungsod.








