TARA, SHOOT NA!
Bilang bahagi ng 18-Day Campaign Against Violence on Women, inihahandog ng Quezon City Gender and Development Council sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte ang video-making contest “VAW-Free QC for Reel!”
Bukas ang paligsahan para sa lahat ng Junior High School na nag-aaral sa alinmang pampublikong paaralan sa Quezon City. Ilabas ang husay at pagkamalikhain sa paggawa ng maikling pelikula na nagsusulong na wakasan ang karahasan na nakabatay sa kasarian o ang gender-based violence.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang mga detalye sa baba, at maaaring tumawag sa Quezon City Gender and Development Office, 8988-4242 local 8739 / 8732.